Tila nakikita na raw ni United States (US) President Donald Trump ang nalalapit na pagtatapos ng giyera nila laban sa bansang Iran.
Ayon sa naging pahayag ni Trump sa pagpunta niya sa Las Vegas sa pagsusulong niya ng Working Families Tax Cuts noong Abril 16, 2026, sinabi niyang tila tuloy-tuloy na gumaganda ang sitwasyon ng US sa Iran at nalalapit na raw matapos ang kanilang digmaan.
“I will say the war in Iran is going swimmingly. We can do whatever we want,” pagsisimula niya.
Diin pa niya, “It should be ending pretty soon.”
Pagbibida ni Trump, ang US daw ang may pinakamalakas na hukbo ng militar sa buong mundo at nagawa niya raw ito sa loob ng apat na taon ng kaniyang termino.
“It was perfect. The power we have, we’re the most powerful military anywhere in the world. I built it in my first four years,” aniya.
Pagpapatuloy niya, nasa magandang estado na rin daw ang kanilang ekonomiya dahil sa kaniyang panunungkulan.
“We had the best economy in the history of our country in my first term and we’re blowing it out now. We’re blowing it away now,” saad niya.
Anang Pangulo, kailangan lang daw talaga nilang labanan ang Iran sa isang giyera bilang tanda ng kanilang pag-iingat sa posibleng mas masama pa raw mangyari dahil sa nasabing bansa.
“Despite our little diversion to the lovely country of Iran… we had to do that because otherwise bad things could happen. I think you're going to see some incredible results. The job we’ve done has been amazing,” pagtatapos pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: 'I might go:' Trump, trip pumuntang Pakistan
KAUGNAY NA BALITA: US at Iran, nagpasalamat sa Pakistan; may kasunduan na?