May 12, 2026

Home BALITA Internasyonal

'I might go:' Trump, trip pumuntang Pakistan

'I might go:' Trump, trip pumuntang Pakistan
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ni United States (US) President Donald Trump na bukas siya sa posibilidad na pumunta sa bansang Pakistan. 

Ayon sa naging panayam ng media kay Trump sa White House noong Abril 16, 2026, sinabi niyang maaari daw siyang personal na pumunta sa Pakistan dahil sa mabuting pinakita ng nasabing bansa upang pumagitan sa giyera ng US at Israel laban sa Iran.

“I would go to Pakistan,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “Pakistan has been great. They’ve been so good.” 

Ani Trump, posible raw na pumunta siya kung maaareglo ang hinahangad nilang kasunduan sa Iran sa Islamabad Talk na pinangungunahan ng Pakistan para makipagnegosasyon ang mga magkakaaway na bansa. 

Internasyonal

24 tripulanteng Pinoy ng MV Hondius, sasailalim sa 42-day quarantine sa The Netherlands

“If the deal is signed in Islamabad, I might go,” aniya, “The Field Marshall has been great, the Prime Minister has been really great in Pakistan.” 

“So I might go. They want me,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, sa parehong araw habang nasa White House si Trump, nilinaw niyang maaari naman daw na magbalik sa putukan at pambobomba ang sitwasyon sa Middle East kung hindi sila magkakaroon ng kasunduan ng Iran.

“If there’s no deal, fighting resumes,” ‘ika pa niya. 

Matatandaang inihayag na rin ni Trump noong Abril 11, 2026, na maituturing nilang magandang kasunduan kung papayag ang bansang Iran na hindi ito magkakaroon pa ng mga nuclear weapon.

“No nuclear weapons. Number one,” diin niya. 

Aniya pa, iyon daw ang maituturing nilang 99% na magandang kasunduan para sa US.

KAUGNAY NA BALITA: Trump, tutok sa kasunduang 'wag magkaroon ng nuclear weapon ang Iran!

KAUGNAY NA BALITA: US at Iran, nagpasalamat sa Pakistan; may kasunduan na?