January 22, 2026

Home BALITA National

Trillanes, tinutulak sanib-pwersa ng Kakampink, middle force, admin vs Duterte

Trillanes, tinutulak sanib-pwersa ng Kakampink, middle force, admin vs Duterte
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila buo pa rin ang desisyon ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa pagsusulong na magsanib-pwersa ang mga Kakampink, middle forces, at administration side para malabanan ang pwersa ng mga Duterte sa darating na Halalan 2028. 

Ayon kay Trillanes, sa panayam sa kaniya sa Sa Totoo Lang ng One PH noong Martes, Enero 13, sinabi niyang personal pa rin niyang tinutulak ang nasabing pagsasanib-pwersa ng mga naturang samahan kontra kay Vice President Sara Duterte sa susunod na eleksyon. 

“Ako po, personally, ang tinutulak ko ay magsanib-pwersa ito. ‘Yong mga Kakampink, ‘yong mga middle forces, at ‘yong admin para mas malakas ang pwersa para matalo ‘yong mga Duterte sa 2028 [election],” pagbabahagi niya. 

Bago nito, nauna na ng ibahagi ni Trillanes sa publiko ang mga natunugan niyang may planong tumakbo diumano bilang Pangulo sa kasunod na Halalan mula sa mga naturang iba’t ibang samahan. 

National

Sen. Kiko, reunite kay Mayor Leni; isusulong Sagip Saka act sa Naga!

“Doon sa hanay ng mga middle forces na tintatawag ko ay merong selection committee na nagaganap sa kasalukuyan. Eventually, may mga criteria sa pagpili at ‘pag natapos ‘yang proseso na ‘yan ay itutulak nila ‘yong prefered candidate from the middle forces,” saad niya. 

Ani Trillanes, sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla raw ang nagbabalak tumakbo bilang Pangulo sa samahan ng administration side. 

“Doon naman sa administration side, ang nababalitaan natin, ang mga nag-aaspire tumakbo for President ay si General [Nicolas] Torre at itong si Secretary Jonvic Remulla. Ito naman ay sila naman ang bahala kung paano nila ipo-promote ang sarili nila,” aniya. 

Dagdag pa niya, sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Bam Aquino diumano naman ang posibleng tumakbo sa mataas na posisyon sa hanay ng mga Kakampink at senador. 

“Ngayon po, ang kinokonsidera na lang ay si Sen. Risa Hontiveros saka si Sen. Bam Aquino. Si Sen. Kiko [Pangilinan] saka si Mayor Leni [Robredo], nag-beg off na sila. Kaya ito na lang dalawa ang nasa-subject sa [Presidential race],” pagkukuwento niya. 

Kaugnay nito, matatandaang nauna nang magbigay ng suhestiyon si Trillanes na kailangan daw magkaisa ng mga lider ng middle forces at Marcos base para masigurong hindi mananalo ang Duterte Bloc sa Halalan 2028 noong Disyembre 12, 2025. 

MAKI-BALITA: Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ani Trillanes, pinakamalaking panig daw sa mga ito ang non-aligned base ngunit kapag pinagsama ang middle forces at Marcos base, magiging mas malaki ito ng kaunti sa Duterte base.

Pagpapatuloy pa ni Trillanes, para masigurong hindi mananalo ang pwersa ng mga Duterte sa darating national election sa 2028, kailangang magkaisa ng middle forces at Marcos base para malabanan ang kabilang panig.

MAKI-BALITA: 'Baka ma-impeach agad ako!' sey ni Torre sa posibleng pagtakbong VP sa 2028

MAKI-BALITA: Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Mc Vincent Mirabuna/Balita