Inalmahan ni Sen. Robin Padilla ang online sugal na pino-promote umano niya.
Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Biyernes, Enero 2, ibinahagi niya ang screenshot ng isang social media post kung saan ginamit ang mukha niya.
Aniya, “Napakalaking kalokohan at kaso ang maaring ipataw sa gumawa ng scam na ito. Wag po kayo kumagat sa malaking kabalastugan at krimen na ito.”
“Ako po ay Maraming Panukalang batas laban sa on line sugal! Anay ng lipunan!” dugtong pa ng senador.
Matatandaang Hulyo 2025 pa lang ay may ilan nang mambabatas na naghain ng panukalang batas sa Kamara upang patawan ng regulasyon ang online gambling platforms bilang tugon sa lumalalang adiksyon dito ng mga Pilipino.
MAKI-BALITA: Kinabukasan ng kabataan, 'wag isugal —Akbayan
Umapela rin noon sa Sen. Migz Zubiri sa mga celebrities na itigil ang pag-eendorso ng online sugal sa kabila ng malaking kikitain dito.
Maki-Balita: Zubiri, umapela sa mga celebrity na tigilan pag-eendorso ng online sugal kahit malaki bayad