May 08, 2026

Home BALITA National

Kinabukasan ng kabataan, 'wag isugal —Akbayan

Kinabukasan ng kabataan, 'wag isugal —Akbayan
Photo Courtesy: Akbayan (FB)

Naghain ang Akbayan ng panukalang batas na magre-regulate sa online gambling platforms bilang tugon sa lumalalang adiksyon dito ng mga Pilipino kabilang na ang kabataan.

Ayon kay Akbayan Representative Atty. Chel Diokno nitong Lunes, Hulyo 7, hindi raw maaaring isugal ang kinabukasan ng kabataan sa kamay ng gambling tycoons.

“We cannot gamble away our youth's future. Our children cannot become collateral in the jackpot dreams of gambling tycoons,” saad ni Diokno.

Dagdag pa niya, “We need a whole-of-government approach if we want to combat the ill effects of online gambling. 'Wag nating hayaang isugal ng ating mga kababayan, hindi lang ang kanilang pera kundi pati buhay at pangarap.”

Nilalayon ng House Bill No. 1351 o Kontra E-Sugal bill na limitahan ang akses nito sa bawat indibidwal edad 21 pababa at mahigpit na ipatupad ang Know-Your-Customer (KYC) protocols.

National

Usec. Claire Castro may ugaling papansin, nagdadala ng kahihiyan—VP Sara