January 06, 2026

Home BALITA

Galing ng Pilipino! Gurong Pinoy sa UK, ginawaran ng prestihiyosong ‘MBE’ ni King Charles III

Galing ng Pilipino! Gurong Pinoy sa UK, ginawaran ng prestihiyosong ‘MBE’ ni King Charles III
Photo courtesy: Edison David


Ginulat ni Edison David, isang gurong Pinoy sa United Kingdom (UK) ang lahat matapos siyang parangalan bilang “Member of the Most Excellent Order of the British Empire” (MBE) ni King Charles III, ayon sa inilabas na listahan ng “The Gazette,” noong Lunes, Disyembre 29.

Ayon sa mga ulat, ang pagkilalang natanggap ni David ay bihirang naibibigay sa “Filipino heritage.”Ibinibigay rin daw ito na sa mga indibidwal na nagtrabaho na nang mahabang panahon sa komunidad at magdulot ng malaking pagbabago.

Nagsimulang magturo si David sa isang pampublikong paaralan sa Tarlac, bago niya mapagdesisyunang lumipad patungong UK.

Si David ay kasalukuyang naninilbihan sa dalawang pangmalakasang eskuwelahan sa UK, bilang executive headteacher.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Liban dito, siya rin ay isang lead inspector at school improvement adviser.

Sa isang pahayag, sinabi ni David na bitbit niya hanggang sa UK ang “values” na napulot niya sa Pilipinas habang siya ay tumatanda.

"I may have spent most of my professional life in the UK, but my roots are firmly in the Philippines. I carried with me the values I grew up with — resilience, humility, hard work, and a deep belief in the power of education to transform lives," saad ni David.

Kasama ni David ang aabot sa 100 indibidwal na siyang paparangalan din ni King Charles III.

Vincent Gutierrez/BALITA

Inirerekomendang balita