January 06, 2026

Home BALITA Politics

‘Ang transparency ay dapat isinasabuhay!’ Blockchain technology, ikakasa na sa Kamara pagpasok ng 2026

‘Ang transparency ay dapat isinasabuhay!’ Blockchain technology, ikakasa na sa Kamara pagpasok ng 2026
Photo courtesy: House of Representatives of the Philippines (FB)

Inanunsyo ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Martes, Disyembre 30, ang pagkasa ng blockchain technology sa Kamara pagpasok ng 2026, bilang pagpapatibay ng transparency, seguridad, at tiwala ng publiko sa mga proseso rito. 

“As your Speaker, I always said that the trust in government is built not by words alone, but by actions,” saad ni Dy sa kaniyang New Year’s message sa social media ng Kamara 

“Bilang bahagi ng ating pangako at bukas na makabagong pamamahala, sisimulan ng Kamara ngayong 2026, sa tulong po ng Department of Information and Communications Technology, ang mga hakbang tungo sa isang paperless Congress at ang paggamit ng blockchain technology upang matiyak ang integridad, seguridad, at transparency ng ating proseso,” dagdag pa niya. 

Binaggit din ni Dy na kasama sa mga proseso na gagamitan ng paperless system ay ang pagbuo ng national budget. 

Politics

'Salamat sa libre!' Rep. Barzaga, Rep. San Fernando, biniyayaan ng kopya ng budget insertions ni Rep. Leviste

Sa transisyong ito ng Kamara sa blockchain technology, ang Kamara ng Pilipinas ang kauna-unahang legislative body sa Asya na gagamit nito. 

“Ginagawa natin ito dahil naniniwala tayo na ang transparency ay hindi laman isang adhikain o slogan,  dapat po ito ay isinasagawa at isinasabuhay,” ani Dy sa motibasyon sa likod ng implementasyong ito. 

Sa mensahe ni Dy, ipinanawagan din niya na sa nalalapit na pagpasok ng bagong taon, at sa kabila ng mga hindi pagkakasunduan at mga sigalot sa bansa, nawa’y manatili ang paggalang, pagkamakatao, at malasakit sa bawat isa. 

“As we enter a new year, may this be our shared commitment, let us be the sources of unity, not division. Let us speak with clarity, not confusion. Let us choose to heal, not to wound. Hindi man tayo laging magkakasundo, nawa’y manatili tayong magalang, makatao, at may malasakit,” panawagan ni Dy.

“Ang pagkakaiba ng pananaw ay hindi dapat maging dahilan ng pagkakahati-hati. Kung hindi pagkakataon upang makinig at umunawa,” dagdag pa ng House Speaker. 

Matatandaang pinangunahan ni Sec. Vince Dizon ang pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Blockchain Council of the Philippines noong Setyembre 30, para maiwasan ang korapsyon sa mga proyekto ng ahensya. 

Dumalo rin sa signing ng MOA si Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Henry Aguda at ilan pang mga kinatawan mula sa iba’t ibang grupo at organisasyon. 

Noong Setyembre 29, ipinaliwanag ni Aguda sa press conference ng DICT na ang blockchain ay plataporma na puwedeng paglagyan ng records ng mga ahensya, na kumpara sa mga dokumentong papel, tiyak na ligtas ito dahil digital copy ito. 

“Blockchain kasi is a nice platform where the database is there and the database is normal na. But the nice thing about it is it's immutable. Hindi na mabubura 'yan. So, kung meron mang mangyaring unusual sa database, kung di mo man makita ngayon makikita mo 'yan 2 years, 3 years, 4 years down the road, hindi ‘yan mabubura," ani Aguda. 

Bukod pa rito, hindi na rin daw nabubura ang mga impormasyon na narito, kay mas madali itong maa-access ng publiko. 

“Hindi mo mate-trace [ang impormasyon] sa isang lugar lang. It’s distributed. Hindi siya pupuwede bang, ‘para mawala ‘yong information, sisirain ko ‘yong server dito, ‘yong server d’yan.’ From a record-keeping standpoint, you have what you call an ‘immutable leger,’ meaning that leger would forever be there, [a] single version of the truth. Pag nandoon na sa blockchain, di mo na ma-eedit ‘yon,” paliwanag ng Kalihim. 

MAKI-BALITA: DPWH Sec. Dizon, pumirma ng MOA para sa blockchain-based monitoring system sa mga proyekto

Sean Antonio/BALITA 

Inirerekomendang balita