January 06, 2026

Home BALITA

Lalaki, patay sa suntok ng dati niyang katrabaho

 Lalaki, patay sa suntok ng dati niyang katrabaho

Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos umanong suntukin ng dati niyang katrabaho dahil sa paratang na pagpasok sa isang restricted na construction site na dati umano nilang pinagtatrabahuhan, sa Santa Cruz, Maynila.

Sinasabing may nakakita umano sa biktima na pumasok sa restricted area ng naturang construction site, habang hinihintay ang kapatid ng suspek na noo’y magbibigay sana sa kaniya ng pambili ng bagong tsinelas.

Bunsod nito, ito na raw ang ikinagalit ng suspek na si alyas “Aldrin,” dahil minsan na raw nanakawan ang kanilang site.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nakatayo ang biktima malapit sa construction site. Paglapit ng suspek, sinuntok umano nito ang biktima. Sa ikalawang suntok, tumama ang ulo ng biktima sa pader bago ito bumagsak sa sahig.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Naidala pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay.

Samantala, lumabas sa backtracking ng barangay na hindi pumasok sa loob ng site ang biktima. “Nagbabase ako sa CCTV ng private. Hindi ko po nakita ang pumasok,” ayon kay Harry Pastor, ex-officio ng Barangay 367.

Ayon naman sa kapatid ng suspek na siyang nag-anyaya sa biktima, mahigpit umanong ipinagbabawal ang pagpasok sa site dahil sa mga naunang insidente ng pagkawala ng kagamitan. Gayunman, hindi raw niya inaasahang mauuwi sa pananakit ang nangyari dahil kilala at nakasama na nila sa trabaho ang biktima.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Manila Police District tungkol sa insidente. Patuloy namang tinutugis ang suspek na pinaniniwalaang nagtatago sa Bulacan.

Inirerekomendang balita