Masakit at malungkot ang bawat relasyong humahantong sa hiwalayan. Lalo na kung binuo ito ng dalawang tao na parehong may forever na inaasahan.
Pero sa kabilang banda, maaari din itong tingnan bilang pagkatuto at paglaya.
Kaya bago pumasok ang 2026, balikan ang hiwalayan nga mga celebrity couple na nagpayanig sa 2025. At ano nga bang mga puwedeng matutunan mula sa mga ito?
1. Jak Roberto at Barbie Forteza
Hindi pa man lang natatagalan matapos pumasok ang 2025, ginulantang na nina dating Kapuso celebrity couple Jak Roberto at Barbie Forteza—kilala rin bilang JakBie—ang buong social media matapos nilang ianunsiyo ang wakas ng pitong taon nilang relasyon.
Sa isang Instagram post ni Barbie noong Enero 2, nagbigay siya ng mensahe para kay Jak.
“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened’ - Dr. Seuss. Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love,” saad ni Barbie.
Maki-Balita: Matapos 7 taon: Barbie Forteza, Jak Roberto break na!
Bagama’t hindi na idientalye pa ng aktres ang ugat ng kanilang hiwalayan ni Jak, hindi naiwasang makaladkad ang pangalan ni “Pambansang Ginoo” David Licauco sa isyung ito ng dalawa.
Matatandaang pumatok sa fans ang tambalang “BarDa” nina Barbie at David simula noong magkasama sila sa historical-drama series na “Maria Clara at Ibarra.”
Maki-Balita: BarDa, trending matapos anunsyo ng hiwalayang JakBie
2. Sam Milby at Catriona Gray
Taong 2024 pa lang, maugong nang pinag-uusapan ang tungkol sa hiwalayan nina celebrity couple Sam Milby at Catriona Gray.
Ito ay sa kabila ng kaotothanang engaged na ang dalawa sa isa’t isa.
Nagsimulang lumitaw ang mga hinala na wala nang relasyong namamagitan kina Catriona at Sam nang mapansin ng mga netizen na may mga pagkakataon daw na hindi suot ng beauty queen ang engagement ring nito.
At lalo pang lumakas ang suspetsa ng publiko na hiwalay na nga ang dalawa nang talakayin ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol dito sa isang episode ng kaniyang showbiz-oriented vlog noong Pebrero 2024.
MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Catriona at Sam, hiwalay na raw
Ngunit isang taon pa ang lumipas bago kinumpirma ni Sam na matagal na umanong tapos ang relasyon nila ni Catriona.
Hindi naman ng nagbigay pa ng ibang detalye ang aktor tungkol dito bagama’t tiniyak niyang wala umanong sangkot na third party sa kanilang hiwalayan.
Aniya, “There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all.”
Maki-Balita: Sam Milby, kinumpirmang matagal na silang hiwalay ni Catriona Gray
3. Jeraldine Blackman at Josh Blackman
Sa mundo ng content creation at vlogging, sina Jeraldine Blackman ng Blackman family naman ang nag-anunsiyo ng hiwalayan sa mister nitong si Josh Blackman.
Sa Instagram reels ni Jeraldine noong Pebrero 21, emosyunal siyang humarap sa camera para sabihin ang kinahantungan ng relasyon nilang mag-asawa.
Aniya, “I have been trying to find the right time, when I'm gonna get the courage for me to post this one online."
"Josh and I have separated. We're good friends. I just know that he is a good person and he is the best father that Jette and Nimo could ever have,” dugtong pa ni Geraldine.
Matatandaang nakilala ang Blackman family dahil sa mga wholesome at goodvibes nilang content na ibinbahagi sa kanilang social media accounts.
Maki-Balita: #BALITAnaw: Hiwalayan ng mga celebrity couple na nagpayanig sa 2024
4. Paul Salas at Mikee Quintos
Buwan ng Abril nang ianunsiyo ni Kapuso actress Mikee Quintos sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ang breakup nila ng boyfriend niyang si Paul Salas.
Ayon sa aktres, pinag-isipan niya raw mabuti kung isasapubliko pa ba niya ang kinahantungan ng relasyon nila ni Paul.
“Honestly, before today, pinag-iisipan kong mabuti kung magsasabi na ako sa public. Kung hindi, mahirap 'to for me," saad ni Mikee.
Samantala, nilinaw naman niyang walang sangkot na third party sa breakup nila ng aktor.
Halos limang taon din ang tinagal ng pagsasama ng dalawa bago nagpasyang tuldukan ang relasyong namagitan sa kanila.
Maki-Balita: Mikee Quintos, Paul Salas hiwalay na!
5. Kobe Paras at Kyline Alcantara
Tila walang palya si Kapuso actress Kyline Alcantara sa pagkakasangkot sa hiwalayan issue. Matatandaang bago matapos noon ang 2023, napabalitang hiwalay na umano si Kyline sa boyfriend niyang si Mavy Legaspi.
Maki-Balita: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin
Makalipas ang mahigit kalahting taon, Mayo 2024, hinulaang may namumuong relasyon sa pagitan nina Kyline at Kobe Paras. Ito ay matapos pagsuspetsahan na magkasama umano ang dalawa dahil sa Instagram story nila.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras iniintrigang magkasama sa iisang lugar
At noon ngang Nobyembre, inamin na ni Kobe ang real-score sa pagitan nila ni Kyline matapos maurirat tungkol sa “biggest crush” niya.
"Kyline Alcantara,” sagot ni Kobe, “because we are dating!"
Maki-Balita: Kyline haba ng hair, biggest crush ni Kobe: 'We are dating!'
Ngunit sa kasamang-palad, ang relasyong nabuo sa isang iglap ay mabilis ding nawasak. Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Abril 11, marami umanong nakapansin sa binurang post ni Kobe sa Instagram nito.
Ayon sa mga nakapuna, 76 na lang daw ang post ni Kobe sa Instagram na dati ay 78. Dalawa umano sa binurang post ay larawan nila ni Kyline.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras hiwalay na nga ba?
Nang sumunod na araw, tuluyan nang in-unfollow ng dalawa ang isa’t isa sa kanilang Instagram accounts.
Maki-Balita: Kobe Paras, nag-unfollow na rin si Kyline Alcantara
KAUGNAY NA BALITA: Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!
At tila lalong naging komplikado ang isyu ng dalawa sa pakikisawsaw ng ina ni Kobe sa isyu matapos niyang isiwalat ang pamimisikal umano ni Kyline sa anak niya.
Maki-Balita: Siwalat ni Jackie Foster: Kyline Alcantara, pinipisikal daw si Kobe Paras
Kaya naman nakisali na rin ang management ni Kyline para pahupain ang naglalatang na isyu sa pagitan nito at ni Kobe.
"She hopes we can all move on and put this issue to rest," anila.
6. Klea Pineda at Katrice Kierulf
Emosyunal na inamin ng Kapuso actress na si Klea Pineda na hiwalay na sila ng kaniyang girlfriend na si Katrice Kierulf sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Hulyo 2025.
Ayon sa kaniya, magkakaniya-kaniya na muna sila dahil may iba-iba raw silang priorities sa buhay. Iyon na lang daw muna ang tututukan nila pareho.
Maki-Balita; Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf
Sa kabila nito, wala raw pinagsisisihan si Klea sa tatlong taong naging relasyon nila ni Katrice. Pero sa isang panayam kay Klea noong Oktubre, inihayag niya ang kawalang interes na makipagbalikan sa dating karelasyon.
Tanong ni Boy Abunda, “Oo, hindi, depende, makipagbalikan sa ex?”
“Hindi,” sagot ni Klea.
Maki-Balita: Klea Pineda, walang balak makipagbalikan sa ex
Sa kasalukuyan, tila may namumuo nang relasyon sa pagitan nina Klea at “Open Endings” co-star niyang si Janella Salvador.
Sa isang Instagram post ni Janella kamakailan, nagbahagi siya ng serye ng mga larawang kuha sa Los Angeles, California.
At sa huling slides ng mga larawan, bumulaga ang selfie nila together.
Maki-Balita: ‘I’m home!’ Janella, Klea opisyal na nga bang mag-jowa?
7. McCoy De Leon at Elisse Joson
Matapos maiulat ang hiwalayan nina Kapamilya celebrity coule McCoy De Leon at Elisse Joson, lumutang ang tsikang nagkabalikan ulit ang dalawa noong 2023.
Pero makalipas ang dalawang taon, inanunsiyo ni Elisse na hiwalay na ulit sila ni McCoy.
Sa isang Instagram post ni Elisse noong Hulyo, sinabi niyang ang pinakamalaking pangarap daw niya ay makabuo ng pamilyang matatawag niyang kaniya.
“But now, we're learning to let go. Together, we're releasing that dream… so we can finally allow a new kind of peace, growth, and healing to enter,” anang aktres.
Ayon kay Elisse, isinapubliko niya ito upang bigyan ng dangal kung ano ang mayroon sila ni McCoy at bigyan ng espasyo ang paghilom.
Matatandaang may isang anak na babae sina McCoy at Elisse, si Felize.
8. Gerald Anderson at Julia Barretto
Sa kabila ng pagiging vocal ni Kapamilya actor Gerald Anderson tungkol sa kagustuhan niyang bumuo ng pamilya kasama ang aktres na si Julia Baretto, nauwi pa rin sa breakup ang kanilang relasyon.
MAKI-BALITA: Gerald Anderson, handa nang pakasal: 'I'm closer to that'
Kinumpirma mismo ng Star Magic noong Setyembre na hiwalay na ang kanilang artist na si Gerald Anderson sa girlfriend nitong si Julia Barretto, batay sa kanilang opisyal na pahayag.
"Star Magic confirms that Gerald Anderson and Julia Barretto have mutually decided to end their relationship," saad sa pahayag.
Matatandaang tatlong buwan bago ito ay pinabulaanan pa ni Gerald ang lumulutang na tsikang wala na sila ni Julia matapos itong banggitin ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.
Sabi ni Toni, “One of the reasons kung bakit pinag-uusapan uli ang relationship ninyo is because everyone thinks na nag-break kayo ni Julia."
"No, we’re okay,” sagot naman ni Gerald. “Kaya nga kanina hinatid ko siya sa airport, papunta silang Dubai. Kaya medyo napaaga ako."
Nagsimula ang intrigang break na ang dalawa dahil sa picture ni Gerald sa Instagram na hindi kasama si Julia.
Maki-Balita: Gerald Anderson, nagsalita na sa intrigang hiwalay na sila ni Julia Barretto
9. Derek Ramsay at Ellen Adarna
Ginulat ng aktres na si Ellen Adarna ang mundo ng social media sa pasabog niya tungkol sa mister niyang si Derek Ramsay.
Sa pamamagitan ng Instagram story noong Nobyembre, inilabas lahat ni Ellen ang lahat ng umano’y resibo laban kay Derek na 2021 pa siya niloloko.
Tila na-trigger ang aktres na isiwalat ang tungkol dito matapos ibahagi ng mister niya ang isang post tungkol sa marriage, sa pamamagitan ng Instagram story.
Maki-Balita: 'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'
Matatandaang Agosto pa lang umuugong na ang tsikang hiwalay na ang dalawa. Tinangka pa ngang pabaulaanan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang tungkol sa programang “Cristy Ferminute.”
“Mema lang ‘yan,” sabi ni Cristy. “Alam n’yo po, napakagandang mag-handle ng relasyon ni Derek Ramsay. At si Ellen Adarna, kitang-kita naman natin na talagang sumusunod naman siya.”
Maki-Balita: Derek, Ellen iniintrigang hiwalay na!