Dumagdag sa listahan ng showbiz couples na naiintrigang hiwalay na ay ang kapwa Kapuso stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Hinulaan ng mga netizen na ang cryptic posts ni Kyline ay patungkol sa kanilang relasyon ni Mavy.

“Thick Skin. Clear Boundaries. Airplane Mode. Close Frieds. Savings. Self Care. Strong Focus. Self Appreciation,” post ng aktres sa Instagram.

Isa pa sa mga pinag-iisipang cryptic ay ang X post naman niya na may nakasaad na "I knew it."

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

https://twitter.com/2002kyline/status/1727909479709388992

Nagpaabot naman ang pakikisimpatya ang mga netizen lalo na ang mga tagahanga at tagasuporta para kay Mavy.

Noong Nobyembre 25 naman ay nag-post siya tungkol sa paglalaro ng tennis at nilagyan ito ng caption na "time to start anew… 🎾."

Ang latest showbiz couple na umaming hiwalay na ay sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Hanggang ngayon, nananatiling palaisipan naman sa mga netizen kung ano naman ang update kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Xian Lim at Kim Chiu, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Mavy at Kyline tungkol dito.