Isinumite na ng legal counsel ng nagpakilalang si Ramil Madriaga ang notarized affidavit nito sa Office of the Ombudsman kaugnay sa panawagan nilang aksyunan ng nasabing tanggapan ang mga isiniwalat ng tumayong testigo laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon sa natanggap na dokumento ng Office of the Ombudsman mula sa Palad Lauron Palad & Te Law Firm, kampo ni Madriaga, nitong Martes, Disyembre 16, mababasang kalakip umano ng nasabing dokumento ang notarized affidavit ni Madriaga na isinagawa noong Nobyembre 29, 2025.
“Attached hereto is the Notarized Affidavit of Mr. Ramil L. Madriaga, executed on November 29, 2025 and notarized by Atty. Cynthia Vinas-Pantonal, containing the relevant narration of facts and circumstances that, upon evaluation by your Honorable Office, may call for administrative, criminal, and/or other remedial action within the Ombudsman's constitutional and statutory mandate,” anang law firm.
Iminungkahi nila sa tanggapan ng Ombudsman na tingnan nasabing notaryo ni Madriaga at handa rin silang magbigay pa ng mga karagdagang dokumento o iba pa na kakailanganin ng ahensya.
“In view of the foregoing, we respectfully refer and endorse the attached Notarized Affidavit to your Honorable Office for proper disposition in accordance with your established procedures. Should your Office require additional documents, or clarificatory statements, we undertake to coordinate and comply at the soonest possible time, subject to due notice,” anila.
Pagpapatuloy pa nila, dapat daw na mag-imbestiga at gumawa ng mga aksyon ang Ombudsman kaugnay sa mga isiniwalat ni Madriaga sa kaniyang notaryo.
“We submit this referral in deference to the Ombudsman's authority to investigate and act upon acts or omissions of public officers and employees, and we respectfully request that the Affiant and this law firm be duly informed of any action taken, as well as any directives for further compliance,” pagtatapos pa nila.
Matatandaang mabilis na lumutang ang pangalan ni Madriaga noong Huwebes, Disyembre 11, 2025, na naghain ng kaniyang sworn affidavit kaugnay sa noong direktang pagtatrabaho niya kay VP Sara at sa mga umano’y mga katiwaliang kinasangkutan nito.
Ani Madriaga, naatasan raw siya noong buuhin ang grupong Inday Sara Duterte Is My President (ISIP) para sumuporta sa kandidatura nito noong 2022 election.
Isiniwalat rin ni Madriaga sa kaniyang sinumpaang salaysay ang milyon-milyong halaga at duffle bag na umano’y kaniyang dinala sa iba’t ibang lugar sa panahon ng kaniyang pagsisilbi sa kay VP Sara.
MAKI-BALITA: 'Black propaganda?' Roque, dinepensahan si VP Sara sa nagpakilalang ‘aid’ nito
MAKI-BALITA: VP Sara kinasuhan ng plunder, atbp. sa Ombudsman
Mc Vincent Mirabuna/Balita