December 16, 2025

Home BALITA National

'Di pera kundi solusyon!' Sec. Dizon, binalikan lamesang nilapagan ng ₱300M nina Alcantara, Hernandez

'Di pera kundi solusyon!' Sec. Dizon, binalikan lamesang nilapagan ng ₱300M nina Alcantara, Hernandez
Photo courtesy: DPWH (FB), MB FILE PHOTO

Idiniin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na “symbolic” umano ang lamesang pinagdausan nila ng pagpupulong sa 1st District office ng kanilang ahensya sa Bulacan dahil doon pinatong ang ₱300 milyong halaga na pinaghati-hatian umano nina dating District Engineer Henry Alcantara at Assistant Engineer Brice Hernandez. 

Ayon sa isinapubliko na pagpupulong nina Dizon sa opisina nila sa Malolos, Bulacan noong Lunes, Disyembre 15, ipinakita niya ang larawan ng kontrobersyal noon na ₱300 milyong halaga na isiniwalat noon ni Hernandez sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. 

MAKI-BALITA: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

MAKI-BALITA: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

National

Cardinal Advincula: 'Ang bawat isa ay may puwang sa simbahan'

Sa pagpapatuloy ni Dizon, sinabi niyang wala silang ilalatag na iba sa nasabing lamesa kundi solusyon kaugnay sa problema sa baha sa Bulacan. 

“Here, instead of this, wala tayong ilalatag tayo dito kundi iisa lang… ang lalatag natin sa table ngayon, hindi pera kundi solusyon,” diin niya. 

Ani Dizon, sigurado raw na malapit nang makulong ang mga umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects sa naturang probinsya. 

“Kasi na lahat ng mga involved dito sa pagnanakaw na ginawa dito sa first district of Bulacan ay pananagutin natin at malapit na silang makulong very-very soon,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Kailangan pa rin nating solusyunan ‘yong mga problema natin dito. Kasi ‘yong mga kababayan natin dito sa Bulacan, sa Hagonoy, sa Calumpit, sa Baliuag, kung saan dito ay binabaha pa rin hanggang ngayon.” 

Saad pa ni Dizon, nanggaling na rin daw mismo sa Office of the Ombudsman na malapit nang isampa ang mga kasong isinumite nila noon pang Setyembre 2025. 

“Kailangang solusyunan ‘yon… Kailangang managot pa rin ‘yong mga tao dito at mananagot sila, maniwala kayo. Nagsabi na ‘yong Ombudsman na very-very soon ipa-file na ‘yong kaso dito sa Bulacan na unang una nating ni-file noong September,” paglilinaw pa niya. 

Samantala, sa pareho nilang pagpupulong ay ipinakilala ni Dizon sa publiko ang dalawang bagong Officer-In-Charge (OIC) na District Engineer at OIC District Assistant Engineer sa 1st District ng Bulacan. 

MAKI-BALITA: 'Wag kayong gagaya!' Sec. Dizon, binalaan mga bagong District Engr., sa Bulacan

Nagawang magbilin ni Dizon kina Officer-in-Charge (OIC) District Engineer Kenneth Fernando at OIC Asst. District Engineer Paul Lumabas na huwag gagayahin ang mga ginawa nina Alcantara at Hernandez.

“Ang kabilin-bilinan ko lang sa kanilang dalawa, huwag kayong gagaya doon sa mga papalitan ninyo,” pagsisimula niya. 

Pahabol pa niya, “Huwag na huwag kayong gagaya.”

MAKI-BALITA: 'Galit na galit talaga siya' DILG Sec. Remulla, first time umanong marinig magmura si PBBM

MAKI-BALITA: Henry Alcantara, nagbalik na ₱110M sa gobyerno, magbabalik pa ng ₱200M—PBBM

Mc Vincent Mirabuna/Balita