March 15, 2026

Home BALITA Metro

Lalaki, patay matapos makuryente sa power transformer

Lalaki, patay matapos makuryente sa power transformer
Photo courtesy: BFP ParaƱaque City (FB)

Nasawi ang isang lalaki mula sa pagkakakuryente matapos tangkain na galawain ang isang power transformer sa kahabaan ng Lopez Street, Barangay San Isidro, Parañaque City, noong Sabado, Pebrero 14. 

Base sa pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP)-ParaƱaque City, nitong Linggo, Pebrero 15, ang nasabing lalaki ay sinubukan umano na pakialaman ang kuryente para makakuha ng copper materials, nang aksidente itong madikit sa isang buhay na linya, na nagdulot sa ā€œsevere electrocution.ā€Ā 

Ayon pa sa BFP-ParaƱaque City, agad silang nagsagawa ng ā€œassessment and retrieval operationsā€ nang marespondehan ang naging lugar ng insidente, kung saan isa ring imbestigasyon ang isinagawa para malaman ang buong pangyayari sa likod ng pagkakuryente.Ā 

Samantala, pinaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paggalaw ng anumang electrical facilities dahil sa nakaambang panganib dito, na maaaring magdulot ng instant electrocution, severe burns, at pagkamatay.Ā 

Sean Antonio/BALITAĀ 

Metro

Singil ng Maynilad, Manila Water, tataas din pagpasok ng Abril!