December 11, 2025

Home BALITA Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya
Photo courtesy: Sen. Imee Marcos/FB

Usap-usapan ang pag-flex ni Sen. Imee Marcos ng kulay-pulang buwaya bag na ginamit niya sa plenary session sa Senado noong Miyerkules, Disyembre 10.

Una munang ibinida ng senadora ang pagharap niya sa Commission on Appointments (CA), sa pagdinig sa pagtatalaga ng dalawampu't dalawang heneral at mga opisyal mula sa ating Armed Forces of the Philippines (AFP), pati na si Justice Jose Catral Mendoza para naman sa Judicial and Bar Council (JBC) ng bansa.

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ni Sen. Imee ang mga larawan niya at ang pulang bag na dibuhong buwaya.

"Pula ang buwaya kasi ninakaw nila ang pasko!" aniya.

Politics

Bondoc sakaling maging pangulo si VP Sara: 'Philippines will immediately become better'

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nagdala ng bag na buwaya ang senadora.

Kaugnay na Balita: Bag ni Sen. Imee agaw-eksena, disenyong buwaya!

Tinawag niya itong "Bondying Bag" na ayon sa mga netizen, ay mukhang patutsada ng senadora sa kaniyang pinsang si Leyte 1st District Representative at dating House Speaker na si Martin Romualdez.

Kaugnay na Balita: Sen. Imee sa 'Bondying Buwaya' bag: 'Nakahuli na 'ko ng isa, dapat makulong silang lahat!'

Kaugnay na Balita: ALAMIN: Saan nabili at magkano ang 'Bondying Buwaya bag' ni Sen. Imee?

Ang buwaya ay laging ikinakapit sa pagiging sakim o gahaman, na kadalasan, ay panlarawan sa mga tiwali o korap na opisyal ng pamahalaan.