May 21, 2026

Home BALITA National

Bag ni Sen. Imee agaw-eksena, disenyong buwaya!

Bag ni Sen. Imee agaw-eksena, disenyong buwaya!
Photo courtesy: Screenshots from Senate of the Philippines (FB)

Umagaw ng atensyon sa mga senador at maging sa mga netizen ang disenyo ng bag ni Sen. Imee Marcos, habang nasa Senate plenary nitong Martes, Setyembre 9.

Sa sesyon, pinansin ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kakaibang bag ni Marcos.

Anang Zubiri, ngayon lamang daw siya nakakita ng ganoong klaseng bag design.

Natawa naman ang senadora at agad na niyakap ang nabanggit na bag.

Sey naman ng mga netizen, mukhang may nais ipakahulugan ang bag ni Sen. Imee lalo't mainit na pinag-uusapan ngayon ang korapsyon at anomalya sa flood control projects, na nagsasangkot sa ilang mga contractor at government officials.

National

Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

Ang buwaya ay laging ikinakapit sa pagiging sakim o gahaman, na kadalasan, ay panlarawan sa mga tiwali o korap na opisyal ng pamahalaan.

Hindi naman binanggit ni Sen. Imee kung ano ang pangalan ng kaniyang bag.