January 04, 2026

Home BALITA

Manager na nanggahasa ng empleyadong magre-resign na, nasakote!

Manager na nanggahasa ng empleyadong magre-resign na, nasakote!

Natimbog ng pulisya ang isang lalaking nanggahasa umano ng dati niyang empleyado na magre-resign na sana.

Ayon sa mga ulat, Noong Abril 21 pa naganap ang pang-aabuso ng suspek sa 18 taong gulang na biktima na noo'y nagpaalam na sa kaniya para mag-resign ngunit isang meeting umano ang ikinasa ng suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na hinimok daw ng suspek na makipag-meeting sa kaniya sa isang hotel ang biktima upang mapag-usapan ang planong resignation ng dalaga. Pumayag naman ang biktima bunsod na rin umano ng tiwala niya sa kaniyang manager.

Nang makarating sa unit ng hotel kung nasaan ang suspek, doon na raw nakaramdaman ng kahina-hinalang kilos ang biktima kung kaya't sinubukan na nitong makaalis.

Jerry Gracio tinalakan Amerika: ’Umaasta na namang pulis pangkalawakan ang US!’

Ngunit, mabilis umano siyang nahagip ng suspek at saka ginawa ang kahalayan sa biktima.

Samantala, nasa kustodiya na ng Marikina City police Station Custodial Facility ang suspek na nakalista bilang No. 5 most wanted sa nasabing istasyon. 

"No bail" ang hatol sa rape case na isinampa laban sa kaniya.

Inirerekomendang balita