Sugatan ang isang 82 taong gulang na lalaki sa Zamboanga Del Sur, matapos siyang pasukin sa loob ng tahanan habang natutulog at saka putulan ng dila.
Ayon sa mga ulat, natutulog ang biktima nang biglaang pasukin ng 20-anyos na suspek ang bahay ng biktima at saka nito biglaang sinakal ang matanda at pinutulan ng dila.
Samantala, napigilan naman ng anak ng biktima ang pag-aatake ng suspek nang marinig niya ang malakas na ingay sa bahagi ng higaan ng kaniyang ama. Doon na raw niya nakita ang duguang ama habang katabi ang suspek na hawak ang kutsilyong ginamit sa krimen.
Sinubukang makipambuno ng anak ng biktima sa suspek hanggang sa makahanap sila ng tulong.
Kasalukuyan nang ginagamot sa ospital ang biktima habang nasa kustodiya na ng mga awtridad ang suspek. Hinala ng mga awtoridad, may problema sa pag-iisip ang suspek.
Sinusubukan na ng pamilya ng suspek na makipagnegosasyon sa mga kaanak ng biktima at nangakong sasagutin ang gastusin sa ospital.