January 06, 2026

Home BALITA

‘Hindi okay yun!' SP Sotto, nagkomento sa pagiging 'MIA' ni Sen. Bato sa Senado

‘Hindi okay yun!' SP Sotto, nagkomento sa pagiging 'MIA' ni Sen. Bato sa Senado
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Nagkomento si Senate President Vicente “Tito” Sotto III hinggil sa pagliban pa rin ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagdinig ng 2026 budget para sa mga departamentong nauugnay sa kaniyang committee chairmanship sa Senado.

Sa panayam ng media kay Sotto nitong Huwebes, Nobyembre 27, 2025, iginiit niyang hindi raw “okay” ang naging pagliban ni Dela Rosa bilang chairman ng komite.

“Hindi okay 'yon. In the first place, (dapat) hindi mo hiniling yung mga chairmanship na 'yon... Kung hindi mo kaya, hindi mo dapat hiniling na makuha mo yung chairmanship na 'yon. Especially, vice chairmanship ng budget? National defense,” saad ni Sotto.

Matatandaang si Dela Rosa ang Vice Chairman ng Committee in Finance kung saan nitong Huwebes din ng dinggin ang budget deliberation ng Department of National Defense.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Ilang linggo nang hindi nagpapakita sa Senado si Dela Rosa matapos kumpirmahin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kasado na umano ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

KAUGNAY NA BALITA: 'Ano ba talaga, Kuya?' Remulla at Remulla, nagkontrahan sa hakbang ng ICC kay Sen. Bato!

Samantala, nauna na ring dumipensa ang abogado ni Dela Rosa na si Atty. Israelito Torreon hinggil sa mga ulat na nagtatago na raw ang senador bunsod ng banta ng arrest warrant

"Sa tingin ko, I am not Senator De La Rosa, abogado niya ako. I do not read his mind. In all probability hindi lalabas ng bansa 'yun. Mahal na mahal niya ang bansa nating Pilipinas kaya nga nag Chief PNP yun," saad ni Torreon.

KAUGNAY NA BALITA: 'Hindi lalabas ng bansa!' Atty. Torreon, nilinaw na 'di nagtatago si Sen. Bato

Isa ang pangalan ni Dela Rosa sa mga naging matutunog na umano’y isusunod ng ICC na maaresto kasunod ng pagdampot nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dulot ng madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Inirerekomendang balita