Patay ang isang 13-anyos na lalaki matapos masagasaan ng isang 10-wheeler truck sa Tondo, Maynila.
Ayon sa pulisya, nakita ang biktima na naglalaro kasama ang kaniyang mga kaibigan habang tumatawid sa kalsada bago mangyari ang insidente.
Batay sa imbestigasyon, huminto umano ang truck driver dahil nag-o-overheat ang kaniyang sasakyan.
Ipinarada niya ito upang lagyan ng tubig ang radiator. Pag-andar niya muli ng makina, nakarinig siya ng malakas na tunog.
Hindi umano alam ng driver na napunta ang bata sa ilalim ng truck habang naglalaro. Agad siyang huminto at sinuri ang paligid, at doon na niya natagpuan ang bata na wala nang buhay sa ilalim ng sasakyan.
Mabilis namang nakatakbo ang kaibigan ng biktima para makahingi ng tulong, ngunit hinala ng mga awtoridad ay dead on the spot na ang binatilyo sa ilalim ng truck.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya, at nasa kustodiya na nila ang driver para sa karagdagang pagtatanong.
Sa hiwalay na panayam ng media sa, ipinagbawal na ng mga awtoridad ang pagparada ng mga sasakyan sa mismong area kung saan nangyari ang insidente dahil sa pagiging accident prone area na raw nito.