December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Parang soft launch na ito!’ Mayor Mark Alcala, huli sa video ni Kathryn Bernardo?

‘Parang soft launch na ito!’ Mayor Mark Alcala, huli sa video ni Kathryn Bernardo?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Usap-usan ang video clip ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo kung saan makikita umanong nahagip si Lucena City Mayor Mark Alcala.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasabing video kung saan ka-date ni Kathryn ang nanay niyang si Min Bernardo.

“Sinasabi ng karamihan sa comment section, si Mayor Alcala daw ‘yon kasama that time. Parang soft launch na ito ng pag-amin nila,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Mayro’n pa ngang nagtsika sa akin. Parang sinundo pa raw ni Mayor si Kathryn sa isang restaurant kasi nga may meeting do’n si Kathryn.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ayon naman sa co-host ni Ogie na si Mama Loi, ito na raw ang isa sa pinakamalapit na magkasama sina Mark at Kathryn sa iisang frame. 

Matatandaang marami-marami nang nagsulputang tsika tungkol sa patagong paglabas ng dalawa. Sa katunayan, noong Hulyo, naintrigang kasama raw ni Mark si Kathryn na lumipad papuntang Australia.

Maki-Balita: Kathryn Bernardo, iniintrigang kasama si Mayor Mark Alcala sa Australia trip

At isang buwan bago ito, naiulat na pinasara umano ang isang restaurant para makapag-date silang dalawa.

Maki-Balita: Resto, pinasara para makapag-date sina Mayor Mark at Kathryn?

Pero sa kabila nito, wala pa ring nilalabas na pahayag sina Kathryn at Mark para kumpirmahin o pabulaanan ang real-score sa pagitan nilang dalawa.