Kinondena ng Animal Kingdom Foundation (AKF) ang umano’y ilang mga bakang namataang nagkakalkal ng basura sa isang kalsada sa Caloocan.
Sa Facebook post ng AKF nitong Miyerkules, Oktubre 29, 2025, nananawagan sila sa lokal na pamahalaan ng Caloocan para maaksyonan ang nasabing sitwasyon ng mga baka na kapuwa delikado para sa mga hayop at motorista.
“We’ve seen numerous posts online about these cows roaming the streets of Caloocan often shared as something funny or normal. In our reviews, this has been a long-standing issue in the area.
Saad pa ng AKF, “These cows are scavenging through garbage, eating waste, and putting themselves and motorists at danger by obstructing traffic. This can be easily seen as a matter of inconvenience, but the truth is both animal welfare and public safety here are at risk.”
Ipinanawagan din ng AKF na dapat lang daw mapanagot ang salarin sa kapabayaan ng pangangalaga sa naturang mga baka.
“We urge the City Veterinary Office of Caloocan City to take swift action. Hold the owners accountable for their negligence and ensure humane care and relocation of these animals,” saad ng AKF.
Bunsod nito, bumuhos naman ang sentiyemtno ng ilang netizens sa comment section ng nasabing FB post ng AKF.
“Dapat ipagbawal ang pagaalaga ng mga farm animals sa mga cities.”
“Nakakaawa imbis na damo ang kinakain, eh basura.”
“Pls take care of them humanely. why are they scavenging the trash?”
“Irescue nalang sila at dalhin sa farm.”
‘If ikaw nga babangon kahit madaling araw o alanganing oras para maghanap ng pagkain kapag nagutom, sila pa kaya?”
“Wala dapat karapatan mag-alaga ng hayop ang may-ari niyan!”
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang lokal na pamahalaan ng Caloocan patungkol dito.
Kasalukuyan na ring nananawagan ang AKF ng impormasyonhinggil sa may-ari ng nasabing mga baka.
“We are currently seeking information on the owner(s) of these cows to address the concerns raised regrading their safety and welfare. If you have any information that could help identify the owner, please message our page,” saad ng AKF.