January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Patrick Dela Rosa, pumanaw na!

Patrick Dela Rosa, pumanaw na!
Photo Courtesy: Provincial Information Office - Oriental Mindoro (FB)

Sumakabilang-buhay na ang ‘80s matinee idol at sexy actor na si Patrick Dela Rosa.

Sa isang Facebook post ng Provincial Information Office - Oriental Mindoro nitong Lunes, Oktubre 27, mababasa ang malungkot na balita.

“Taos-pusong nakikidalamhati ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamilya ng namayapang si Former Board Member Patrick Dela Rosa,” saad sa caption.

Dagdag pa rito, “Maraming salamat sa iyong mga iniwang ala-ala hindi lamang sa industriya ng pag-aartista, kundi maging sa pagbibigay-serbisyo para sa mga Mindoreño.”

Pelikula

‘The legacy continues:’ 'Home Along Da Riles' magbabalik ngayong 2026!

Ilan sa mga tumatak na pelikula ni Patrick ay ang "Kristo", "Suspek", Ping Lacson: Super Cop" at "Ex-Con."

Matatandaang sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN noong Abril, masayang ibinahagi ng aktor at matinee idol ang simple niyang buhay sa California bilang isang negosyante.

Ani Patrick, "I would say iba na talaga ang buhay ko ngayon… mas gusto ko ngayon dahil mas simple. 'Di katulad no’ng artista pa [ako].”

“I can go anywhere, I can walk anywhere, so ayun… nag-iba na buhay ko ngayon dahil naging negosyante na ako ngayon," dugtong pa niya.