January 04, 2026

Home BALITA

Delivery rider, nakaambang makulong dahil umano sa pagkain ng 'choco pie' sa ref ng customer

Delivery rider, nakaambang makulong dahil umano sa pagkain ng 'choco pie' sa ref ng customer

Isang delivery rider ang inakusahan ng pagnanakaw dahil umano sa isang choco pie na kinuha niya sa loob ng refrigerator ng opisina kung saan siya nag-deliver.

Ang manggagawa, na isang subcontracted delivery driver para sa isang logistics firm sa South Korea ay sinampahan ng kasong “theft” matapos umanong kumuha ng isang Choco Pie at isang mini custard na nagkakahalaga ng 1,050 won (73 cents) mula sa refrigerator sa opisina noong nakaraang taon.

Bagama’t itinuring ng mga piskal na mababa lamang ang naturang insidente ng paglabag at naghain ng summary indictment, iginiit ng driver na siya ay inosente at humiling ng pormal na paglilitis.

Ayon sa mga dokumento ng korte, sinabi umano ng akusado na may ibang delivery drivers na nagsabi sa kaniya na “there are snacks in the fridge, feel free to eat them.” 

Internasyonal

Maduro at misis, kalaboso: Trump nagdeklara, US muna mamamahala sa Venezuela!

Ngunit giit ng kompanya, hindi pinahihintulutan ang mga driver na buksan ang refrigerator nang walang pahintulot maliban kung alok mismo sa kanila ang pagkain.

Hinahatulan siya ng korte na guilty at pinagmulta ng 50,000 won — halos limampung beses na mas mataas kaysa sa halaga ng kinain niya.

Agad na nag-apela ang nasabing delivery rider, at nagsimula ang panibagong paglilitis noong nakaraang buwan. Umabot pa ang isyu sa mainit na talakayan sa parlyamento ngayong linggo.

Nakatakda ang susunod na pagdinig sa susunod na linggo, kung saan dalawang testigo ng depensa ang inaasahang magbibigay ng testimonya.