Tuluyan nang pinatawan ng indefinite ban ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) si Arwind Santos matapos ang kaniyang pamimisikal kay Tonton Bringas sa kasagsagan ng bakbakan ng Basilan Starhorse at GenSan Warriors noong Lunes, Oktubre 20, 2025.
Bukod sa naturang suspensyon, kailangan ding magmulta ni Santos ng tinatayang ₱100,000.
“We condemn the incident and the MPBL will not tolerate such actions, especially during the playoffs,” anang pahayag ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes.
Matatandaang nauwi sa pananapak ang girian at pisikalan sina Santos at pBringas sa South Division quarterfinals match ng kanilang koponan.
KAUGNAY NA BALITA: Arwind Santos, binigwasan si Tonton Bringas sa MPBL
Kaugnay nito, nagpahayag na rin daw ng pagpapakumbaba sa Santos at t nag-alok din itong tumulong sa gastusin sa pagpapagamot ng kalaban. Nagkaroon ng sugat sa talukap ng mata si Bringas at sinuri ng mga doktor ang posibilidad ng pinsala sa paningin at ilong nito.
Sa mensaheng ipinadala ni Santos sa pamamagitan ng Basilan team manager na si Bernard Yang, sinabi ng beteranong forward na nais niyang ayusin ang insidente.
“Only I can say is 'di na importante sa akin kung sino ang tama o mali, ang importante sa'kin kung ano gusto ng ating Panginoon at yun walang iba kundi ang magpakumbaba,” ani Santos sa nasabing mensahe.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Tanggal-angas!’ Arwind Santos, nagpakumbaba na sa pinisikal na basketball player