January 04, 2026

Home BALITA

‘Kailangan nang mag-alay ng korap!’ Hirit ng netizens, lindol sa bansa, dahil na rin sa korapsyon?

‘Kailangan nang mag-alay ng korap!’ Hirit ng netizens, lindol sa bansa, dahil na rin sa korapsyon?
Photo courtesy: Contributed photo

Matapos ang pagtama ng sunod-sunod na lindol sa bansa noong mga nakaraang linggo, tila bumaha naman ng kuro-kuro sa social media hinggil sa ipinahihiwatig umano ng mga ito.

Giit kasi ng ilang netizens, tila sumabay daw ang pagyanig ng mga lindol sa kasagsagan ng paniningil ng taumbayan sa isyu ng malawakang korapsyon bunsod ng maanomalyang flood control projects.

Noong Setyembre 30, nang bulagain ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu kung saan tinatayang nasa 74 ang naiulat na nasawi.

Nasundan naman ito ng lindol sa La Union noong Oktubre 9 kung saan nakapagtala ang Phivolcs ng magnitude 4.4. Isang araw lang ang lumipas ng yanigin naman ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental noong umaga ng Oktubre 10 at nasundan pa ito ng magnitude 6.8 bandang 7:13 ng gabi. Magnitude 5.0 naman ang naitalang pagyanig sa Zambales noong Oktubre 11. 

Politics

Pagkakawatak-watak sa politika, hindi matatapos sa 2026—Jay Costura

KAUGNAY NA BALITA: Cabangan, Zambales, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

KAUGNAY NA BALITA: Aftershocks sa Cebu, umabot na sa higit 5,000

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, ibinaba pa sa magnitude 7.4 ang nangyaring lindol sa Davao Oriental

Habang nitong Sabado lamang, Oktubre 12, nang yanigin ng magnitude 6.2 na lindol sa Surigao del Sur.

KAUGNAY NA BALITA: Lindol ulit! Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

Ilang netizens din ang nagsasabing kailangan na raw mag-alay ng korap upang matigil na ang magakakasunod na pagyanig sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Dapat lahat ng kurap ang ialay sa apoy to stop those calamity.”

“Kalikasan umaalma na sa korapsyon!”

“Ialay natin lahat ng senatong at tongressmen at mga congtractong!”

“Lumilindol kasi nag paparty mga buwaya.”

“Sigurado ako hindi sila tatanggapin ng Inang kalikasan!”

“Sana mayanig din Ang konsensya nila kung Meron man ”

Samantala, nilinaw na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi raw magkakaugnay ang lahat ng lindol na nararanasan sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Aktibo po na gumagalaw yung ating trenches particularly sa Philippine Trench. Pero, yung mga kumakalat po na magkakaroon ng isang malawakang o malakas na mga pagyanig, nagpapalabas ng mga prediction na magkakaroon ng magnitude 8 or 9 earthquake ay wala pong katotohanan,” saad ni Phivolcs senior science research specialist Johnlery Deximo.

KAUGNAY NA BALITA: Phivolcs, nilinaw na 'di konektado mga lindol sa Pilipinas