January 06, 2026

Home BALITA

'Kung walang ebidensya, 'di dapat paniwalaan!' Palasyo, sumagot sa mga tirada ni Rep. Barzaga

'Kung walang ebidensya, 'di dapat paniwalaan!' Palasyo, sumagot sa mga tirada ni Rep. Barzaga
Photo courtesy: Screengrab RTVM, Kiko Barzaga/FB

Nagkomento na ang Malacañang sa mga tirada ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa press briefing ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro nitong Huwebes, Oktubre 9, 2025, iginiit niyang hindi umano dapat paniwalaan ang mga pahayag na walang batayan o sapat na ebidensya.

“Mahirap po kasing magsalita nang walang ebidensya. Madaling magbintang, madaling magsabi nang kung anu-ano. Kung walang ebidensya, 'di dapat paniwalaan," ani Castro.

Matatandaang magkakasunod na Facebook post ang pinakawalan ni Barzaga laban kay PBBM kung saan iginigiit niyang mismong sa Palasyo umano nagmumula ang porma ng korapsyon. Isinusulong din ni Barzaga ang impeachment laban sa Pangulo.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Nang tanungin naman si Castro kung binibigyan-pansin daw ni PBBM ang mga patutsada ni Barzaga, saad niya, “Sa panahon ngayon na marami pong ginagawa ang Pangulo, hindi po pinapansin ang ganitong klaseng usapin.”

Dagdag pa niya, “Busy ang Pangulo sa pagtulong sa mga kababayan natin. Maraming trabaho para maiangat pa ang Pilipinas, hindi para ibaba ang dignidad ng ating bansa.”

KAUGNAY NA BALITA: Cong. Barzaga, maghahain ng impeachment complaint laban kay PBBM

Matatandaang si Barzaga ay isa sa mga solon na kritiko ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker na si Martin Romualdez, na pinsan naman ni PBBM.

Inirerekomendang balita