Inulan ng samu’t saring mga reaksiyon at komento ang meme ng kontratistang si Sarah Discaya hinggil sa “luxurious” brand umano ng kaniyang nunal sa mukha.
Makikita sa social media platform na Facebook ang nagkalat na larawan ni Sarah kung saan tila naka-ultra zoom ang nasabi niyang nunal na ginawan ng edited version at may tatak ng mga logo ng isang sikat na luxury brand.
Ayon sa netizens, kahit daw ang nunal ni Sarah ay hindi pwedeng hindi magiging luxury!
“Kahit yung nunal, kasing mahal ng flood control.”
“Pati nunal branded!”
“Ito ba yung tinatawag na luvitoy?”
“Anong parte pa kaya ng katawan niya ang hindi branded?”
“Napa-zoom tuloy ako!”
“Worth 1b ba ‘yan?”
“Ano kayang mas mahal? Yung payong o yung nunal?”
Matatandaang lalong gumawa ng ingay sa social media ang pangalan ni Sarah Discaya nang madiskubre ang tinatayang 28 na luxury cars na pagmamay-ari niya at ng kaniyang pamilya na ngayo’y nauugnay sa maanomalyang flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Sarah Discaya, aminadong binili ang isang luxury car dahil natuwa siya sa payong
Kabilang ang dalawang pang kompanya ng mga Discaya na Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation sa top 15 contractors na pumaldo umano sa flood control projects batay sa impormasyong isiniwalat mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.