January 04, 2026

Home BALITA

'No shortlist yet,' SC, nilinaw na wala pang bagong Ombudsman

'No shortlist yet,' SC, nilinaw na wala pang bagong Ombudsman
Photo courtesy: via SC, Imee Marcos/FB

Nilinaw ng Supreme Court (SC) na wala pang inilalabas na shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC) hinggil sa susunod na Ombudsman, kasunod ng naging pahayag ni Sen. Imee Marcos.

Noong Linggo, Oktubre 5, 2025, nang maglabas ng pahayag si SC Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting kasunod ng naging Facebook post ni Sen. Imee na itatalaga na umano si Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Oktubre 6.

"No shortlist yet," ani SC Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting sa text message sa media.

Noong Linggo rin nang maglabas ng pahayag sa kaniyang opsiyal na Facebook account si Sen. Imee at iginiit na kulay itim pa rin daw ang kulay ng bayan dahil sa nakatakdang pagtatalaga kay Remulla.

Korte Suprema nagpawalang-bisa ng kasal dahil sa ‘controlling,’ ‘demanding’ na misis

"Sa Lunes, nakatakdang hirangin si Boying Remulla bilang Ombudsman," ani Sen. Imee.

Dagdag pa niya, "Tunay ngang kulay itim pa rin ang kulay ng bayan; nagluluksa, nababalutan ng pangamba at kawalan ng pag-asa, sapagkat ang huling bantayog ng pananagutan ay pinilit wasakin ng pulitika at kalapastanganan sa Konstitusyon."

KAUGNAY NA BALITA: 'Kulay itim pa rin ang kulay ng bayan!' Sen. Imee, iginiit napipintong pagka-Ombudsman ni DOJ Sec. Remulla

Kaugnay nito, ni-reshare naman ni Sen. Imee noong Linggo rin sa kaniyang FB post ang sagot ng SC.

"Salamat, Panginoon. 'Wag n'yong pahintulutan," anang senadora.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Setyembre lang ng kumalat sa social media ang isa umanong kopya ng desisyon ng Ombudsman na nagbabasura sa kaso nina Remulla na isinampa ni Marcos.