Patay na nang matagpuan ang bangkay ng isang hinihinalang binatilyo sa isang public cemetery sa Davao Oriental.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakagapos ang mga kamay ng biktima at balot ng cellophane ang kaniyang ulo at mukha nang marekober.
Ayon naman sa ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakitaan umano nila ng malalim na sugat sa leeg ang biktima na posible raw nagsanhi ng kaniyang pagkamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung kailan isinagawa ang krimen sa biktima at kung itinapon lang ang bangkay niya sa naturang sementeryo.
Isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya ay ang kinasangkutan umanong pagnanakaw ng biktima noong nakaraang taon.