January 04, 2026

Home BALITA National

Wind signal no. 2, nakataas sa tatlong lalawigan sa Luzon

Wind signal no. 2, nakataas sa tatlong lalawigan sa Luzon
Photo courtesy: DOST-PAGASA (FB)

Bahagyang lumakas ang bagyong #PaoloPH habang nasa ibabaw ng Philippine Sea, batay sa 11:00 AM update ng PAGASA ngayong Huwebes, Oktubre 2.

Tinatayang nasa layong 575 km Silangan ng Infanta, Quezon (14.9° Hilaga, 127.0° Silangan) ang mata ng bagyo batay sa datos ng PAGASA.

Itinaas naman sa tropical cyclone wind signal number 2 ang sumusunod na mga lugar:

Timog-Silangang bahagi ng Isabela (San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, Benito Soliven, Angadanan, Lungsod ng Cauayan, Naguilian)

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Hilagang bahagi ng Quirino (Maddela)

Hilagang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan).

Mga lugar na nasa Wind signal number 1:

Cagayan

Natitirang bahagi ng Isabela

Natitirang bahagi ng Quirino

Nueva Vizcaya

Apayao

Abra

Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Hilagang bahagi ng Zambales (Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz)

Tarlac

Nueva Ecija

Natitirang bahagi ng Aurora

Hilagang bahagi ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso, Norzagaray, San Rafael)

Hilagang bahagi ng Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba, Lungsod ng Mabalacat)

Hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta) kabilang ang Polillo Islands

Hilagang bahagi ng Camarines Norte (Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)

Hilagang bahagi ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan)

Hilagang bahagi ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran)