December 13, 2025

Home BALITA National

ICC, 'di nadadala sa propaganda at public clamor—Conti

ICC, 'di nadadala sa propaganda at public clamor—Conti
Photo Courtesy: Kristina Conti, ICC (FB)

Naghayag ng reaksiyon ang human rights lawyer na si Atty. Kristina Conti matapos maiulat ang kasalukuyang medical condition umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention center ng International Criminal Court (ICC).

Si Conti ang tumatayong Assistant to Counsel sa ICC na kakatawan sa mga biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni Duterte.

Sa latest Facebook post ni Conti nitong Sabado, Setyembre 27, sinabi niyang dapat umanong maunawaan ng kampo ni Duterte na hindi umano nadadaan ang ICC sa mga propaganda at public clamor.

Aniya, “Duterte's coterie of family, friends, and advisers - especially those with no current or direct access to Duterte - should understand that the ICC as an institution is not typically swayed by either propaganda or public clamor.”

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Duterte's health condition should be properly and formally transmitted to the court by his legal team. It should also be closely monitored by the ICC detention facility medical team,” dugtong pa ni Conti.

Matatandaang ayon sa ibinahaging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang Facebook page nito ring Sabado, binanggit niya ang umano’y palihim na pagbisita ng ilang opisyal na kawani ng pamahalaan ng Pilipinas para magsagawa ng “welfare check” sa dating pangulo nang hindi nila nalalaman.

Dagdag pa niya, may nakarating umano sa kanilang balita na sumailalim ang kaniyang ama sa isang laboratory test matapos matagpuang walang malay sa sahig ng kuwarto nito.

Maki-Balita: ‘This is cruelty!’ VP Sara, umalma sa umano’y pagbalewala ng ICC sa 'nakababahalang' kalusugan ni FPRRD