Inalala ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang kaniyang pagsuporta sa kampanya ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo noong ito ay tumatakbo sa pagkapangulo noong 2022.
Ibinahagi ni Ogie sa kaniyang Facebook repost nitong Martes, Setyembre 23, ang efforts na kaniya umanong ibinigay noong kampanya ni Robredo.
“Oy, bigla ko tuloy naalala. Sumampa kami ni Mama Loi Villarama sa 25 stages nang libre as in walang talent fee at nagpagawa ako ng t-shirts na 1k pieces para ipamigay,” ani Ogie.
“Kasi alam ko, malaking ginhawa sa taumbayan at sa bayan kung siya ang magwawagi. At hindi ko ito pinagsisihan,” dagdag pa niya.
Ang naturang pahayag na ito ay kalakip ang isang post ng “Morning Coffee Thoughts” noong Lunes, Setyembre 22, hinggil sa mga impormasyong may kinalaman sa presidential campaign ni Robredo noong 2022.
Matatandaang binabalikan ng ilang netizens ang presidential campaign ni Robredo noong 2022, matapos ang pagputok ng umano’y malawakang korapsyon na hinaharap ng bansa sa kasalukuyan.
KAUGNAY NA BALITA: Sagot ni Leni Robredo sa unang iimbestigahang ahensya kung manalong Pangulo, binalikan ng netizens!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
'Hindi ko ito pinagsisihan:' Ogie Diaz, inalala pagsuporta kay Leni Robredo
Photo courtesy: Ogie Diaz (FB), File