December 13, 2025

Home BALITA National

Congressman, hinimok umano si Discaya na magdawit ng senador sa flood control scam—Marcoleta

Congressman, hinimok umano si Discaya na magdawit ng senador sa flood control scam—Marcoleta
photos courtesy: Senate of the Philippines, FB and YT

Isiniwalat ni Senador Rodante Marcoleta na may isang congressman umano ang lumapit sa abogado ni Curlee Discaya para himuking magbanggit umano ng pangalan ng senador sa pagdinig kaugnay sa maanomalyang flood control projects. 

Sa interpellation ng privilege speech ni Senador Ping Lacson, noong Martes, Setyembre 10, sinabi ni Marcoleta na may natanggap siyang text message tungkol sa isang congressman na kinausap ang abogado ni Curlee at sinabihang magpangalan ng senador dahil mako-contempt sila. 

“Mayroon pong nag-text sa akin sa pamamagitan ng emissary no’ng abogado ng Discaya. Mayroon po palang isang congressman, kanina pong naghe-hearing sila, nakausap ‘yong abogado ng Discaya. ‘Kailangan eka, mayroon kayong matukoy na senador sapagkat mako-contempt kayo’,” anang senador.

"Samakatuwid gusto lang nilang magpangalan. Hindi po mabuti yun," dagdag pa niya.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Kaugnay nito, hinimok ni Marcoleta ang Senado na tukuyin kung sino-sino 'yong mga palaging kausap ni DPWH Usec. Cathy Cabral.

"Tutal naumpisahan na 'yong mga contractors, naumpisahan na itong mga kawani at mga opisyales ng DPWH na talagang kandidato na po talaga sa impyerno, matukoy po talaga kung sino-sino po 'yong  mga palaging kausap ni Usec. Cabral na sila po 'yong sindikato rito," ani Marcoleta.

"Para 'yong walang kasalanan ay huwag pong madamay." 

Matatandaang pinangalanan ni DPWH assistant district enginee Brice Hernandez, sa isinawagng pagdinig ng House Infrastructure Committee noong Setyembre 9, ang mga senador na sangkot sa maanomalyang flood control projects. 

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

Ito'y sina Senador Joel Villanueva at Senador Jinggoy Estrada, ngunit pinabulaanan nila ang akusasyon ni Hernandez.

Maki-Balita: Sen. Joel matapos idawit sa anomalya ng flood control: ‘I will never destroy my name’

Maki-Balita: Sen. Estrada hinamon si Engr. Hernandez: 'Let us take a lie detector test before the public'