May 14, 2026

Home BALITA

Sen. Joel matapos idawit sa anomalya ng flood control: ‘I will never destroy my name’

Sen. Joel matapos idawit sa anomalya ng flood control: ‘I will never destroy my name’
Photo Courtesy: Joel Villanueva (FB), Santi San Juan/MB

Nagbigay na ng pahayag si Senador Joel Villanueva matapos makaladkad ang pangalan niya sa anomalya sa likod ng flood control projects.

Matatandaang kabilang si Villanueva sa dalawang senador na ikinanta ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer Brice Hernandez na pinagsisilbihan nila bilang bagman. 

“Kung tatanungin n’yo kung sino o kanino kami naging bagman, sasagutin ko na po ngayon…Si Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Usec. Robert Bernardo at district engineer [Henry] Alcantara,” saad ni Hernandez.

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

Ngunit sa manifestation ni Villanueva sa Senado nitong Martes, Setyembre 9, iginiit niyanng wala raw siyang naging kinalaman kailanman sa flood control projects.

National

Nartatez, idiniing ‘di bibigyan ng ‘special treatment’ si Dela Rosa

"Wala po ako kailanman naging flood control project. Hindi ko po sasabihin na I categorically deny this accusation dahil po may resibo po tayo. Puwedeng iberipika kung bakit ito nangyayari," saad ni Villanueva.

Dagdag pa niya, “I will never betray my principle. I will never, ever, destroy the name that was given to me by my parents, Mr. President, because it’s priceless.”

Samantala, nauna nang itinanggi ni Estrada ang pagkakaugnay niya sa anomalya sa likod ng nasabing proyekto. Katunayan, hinamon niya si Hernandez na sumailalim sa lie detector test sa harap ng publiko.

Maki-Balita: Sen. Estrada hinamon si Engr. Hernandez: 'Let us take a lie detector test before the public'