Nagbigay-pahayag si Kapuso actress Carla Abellana sa litratong inilabas sa pagdinig ng House Infrastructure Committee noong Martes, Setyembre 9.
“Ayun yung pera ko o. Nakita ko na,” ani Carla sa kaniyang Instagram story noong Martes, Setyembre 9, kung saan makikita ang limpak-limpak na salapi na nakalagak sa isang opisina sa Bulacan.
Ang naturang IG story ay repost mula sa IG post ng GMA Public Affairs kung saan ipinakita ang larawan ng limpak-limpak na salapi at litanya ni dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez kaugnay sa umano’y limpak-limpak na pera ng kanilang proyekto.
“Sa office po namin, normal po ‘yan,” ani Hernandez na nakalagay sa quote card, sa gitna ng imbestigasyon ng kamara sa naturang pagdinig kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Matatandaang pinangalanan ni Hernandez sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Usec. Robert Bernardo at district engineer Henry Alcantara na may kinalaman umano sa maanomalyang flood control projects.
MAKI-BALITA: https://balita.mb.com.ph/2025/09/09/engr-brice-hernandez-ikinanta-koneksyon-nina-villanueva-jinggoy-sa-anomalya-ng-flood-control-projects
Ngunit pinabulaanan din kalaunan ng dalawang senador ang akusasyon ni Hernandez, na una nang ipina-contempt dahil sa umano’y “inconsistencies” sa kaniyang mga pahayag.
MAKI-BALITA: Sen. Joel matapos idawit sa anomalya ng flood control: ‘I will never destroy my name’
MAKI-BALITA: Sen. Estrada hinamon si Engr. Hernandez: 'Let us take a lie detector test before the public'
Vincent Gutierrez/BALITA