January 01, 2026

Home SHOWBIZ

Bianca Gonzalez, nanlulumo sa buwis na kinukurakot

Bianca Gonzalez, nanlulumo sa buwis na kinukurakot
Photo Courtesy: Bianca Gonzalez (FB), HOR (YT)

Naglabas ng saloobin si Kapamilya host Bianca Gonzalez kaugnay sa pangungurakot sa buwis ng mamamayan matapos ang isinagawang pagdinig ng House Infrastructure Committee.

Sa isang X post ni Bianca noong Martes, Setyembre 9, sinabi niyang nanlulumo umano siya sa kinahahantungan ng buwis na binabayaran ng sambayanan.

“[N]akakapanlumo ang pangungurakot ng buwis na binabayaran natin. yung kahit love mo trabaho mo, mapapaisip ka talaga kung worth it ba lahat ng pagod, dahil habang kumakayod ka, may mga nasa posisyon na imbis na pinapagaan ang buhay ng mga mamamayan, ay pinapabigat pa lalo,” saad ni Bianca.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

‘Sayang ang genes!’ Ogie Diaz, matagal nang kinukumbinseng mag-anak si Vice Ganda

"I dare you to drop their names and condemn them. They are Jinggoy and Joel."

"Sana huwag masayang ang effort ni Vico Sotto sa pag bukas nito. Sana may managot at maparusahan. Sana talaga lumaban na ang mga pilipino na apektadong ninanakawan. Daming walang kunsensya."

"Yung photo ng patong-patong na pera, nakakapangilabot. Those are our taxes. Parang party give-away lang nila."

"buhay pa sila pero hihilingin ko nang masunog sana mga kaluluwa nila sa impyerno. mga demonyo sila."

"Nakakakilabot, mga walang kunsensya, magdusa sana kayo sa impyerno  mga ganid"

"Ang masaklap at malunkot, kapwa Pilipino ang nagpapahirap sa Pilipino.  Yung inaasahang mga leaders na magaayos ng buhay natin ang siya pang magulo at dapat ayusin."

"Yung Tapat ka sa tax mo. Pero politician at contractor Ang yaman. Tapos Ng laki Ng utang Ng Pinas. Huhu"

"Same sentiments. Para tayong pinarusahan e"

Matatandaang tinukoy na sa pagdinig ng Kamara noong Setyembre 9 ang dalawang senador na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

Ngunit pinabulaanan din kalunan nina Senador Joel Villanueva at Senador Jinggoy Estrada ang paratang sa kanila ni Brice Hernandez, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer.

Maki-Balita: Sen. Joel matapos idawit sa anomalya ng flood control: ‘I will never destroy my name’

Maki-Balita: Sen. Estrada hinamon si Engr. Hernandez: 'Let us take a lie detector test before the public'