January 04, 2026

Home BALITA

Dating PNP Spox Jean Fajardo,elbow na sa posisyon; inilipat sa Eastern Mindanao

Dating PNP Spox Jean Fajardo,elbow na sa posisyon; inilipat sa Eastern Mindanao
Photo courtesy: screengrab RTVM

Naglabas na ng dokumento ang National Police Commission (NAPOLCOM) hinggil sa pagkakaroon ng unit reassignment sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa dokumentong inilabas ng NAPOLCOM na may petsang Setyembre 6, 2025, kabilang si dating PNP Spokesperson Jean Fajardo sa mga binalasa.

“Following named personnel are relieved from [present assignment and reassigned to units indicated opposite their names effective September 6, 2025,” anang NAPOLCOM.

Ayon pa sa komisyon, si Fajardo ay tinanggal na bilang hepe ng Directorate for Comptrollership (DC) at inilipat sa Area Police Command - Eastern Mindanao.

Jerry Gracio tinalakan Amerika: ’Umaasta na namang pulis pangkalawakan ang US!’

Pumalit kay Fajardo bilang bagong hepe ng DC si Police Major General Westrimundo Obinque, kaklase ni PNP Acting Chief Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr. sa PMA Class of 1992.

Habang ang dating hawak na puwesto ni Obinque bilang hepe ng National Police Training Institute o NPTI ay itinalaga kay Police Major Gen. Christopher Birung.

Matatandaang kasama si Fajardo sa mga pulis na naapektuhan nang pagkakasibak kay dating PNP Chief Nicolas Torre III noong Agosto 26.

Noong Agosto 27, nang kumpirmahin ng Palasyo ang bagong posisyong ibibigay kay Torre bagama’t hindi pa nila opisyal na pinapangalanan ang magiging bago niyang posisyon.

Samantala, inaasahang nakatakdang pailitan ni Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang binakanteng posisyon ni Torre bilang PNP Chief matapos kumpirmahin ng Palasyo ang opisyal na pagkakasibak ni Torre mula sa kaniyang posisyon.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., bagong PNP Chief

Inirerekomendang balita