January 04, 2026

Home BALITA National

Bagong digital ID para sa senior citizens, pinabilis na ang pagkuha

Bagong digital ID para sa senior citizens, pinabilis na ang pagkuha
Photo courtesy: Jumalynne Doctolero/PIA-NCR (PIA Metro Manila, FB)

Activated na ang digital national senior citizens ID sa pangunguna ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Biyernes, Agosto 15.

Ang digital ID na ito ay idinagdag sa eGovPH Super App na layuning mas mapadali para sa seniors ang pagkuha ng mga diskwento, benepisyo sa transportasyon, at pag-access sa mga serbisyong medical sa pamamagitan lamang ng kanilang mobile phones.

“Hindi na sila aalis ng bahay nila, magiging member na sila kaagad, o yung mga benepisyo para sa senior citizens, nandon na sa app nila,” ayon sa panayam ng People’s Television Network (PTV) kay DICT Secretary Henry Aguda.

Dagdag naman ni United Senior Citizens Partylist Rep. Milagros Magsaysay, solusyon din ang digital ID sa seniors para hindi na mahirapan ang mga ito sa pagbitbit at pagalala sa mga pisikal na ID tuwing lalabas.

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Ang eGovPH Super App ay opisyal na inilunsad noong Hulyo 2025, kung saan, layunin nitong mabawasan ang kuskos balungos dala ng mahahabang pila, sa pamamagitan ng isahang digital platform na mas magpapabilis sa pag-access ng mga government ID tulad ng national ID, driver’s license, PRC license, PhilHealth, Pag-IBIG, at SSS.

Sean Antonio/Balita