Mainit na naman ang social media matapos kumalat ang ilang larawan nina Kathryn Bernardo at nali-link sa kaniyang si Lucena City Mayor Mark Alcala, habang nasa airport.
Batay sa ulat ng Fashion Pulis, hinihinalang si Kathryn ang babaeng nakasuot ng itim na face mask at eye wear sa airport, na umano'y patungong Australia.
Nagkataon ding naispatan din umano sa airport si Mayor Mark na nakasuot din ng itim na face mask.
Pero pagtatanggol naman daw ng isang malapit sa pamilya ni Kathryn, fake news daw iyan dahil magkaibang photos daw iyon na tila pinagdikit lang.
Matatandaang kamakailan lang ay naging sentro rin ng usapan si Kathryn matapos ang kanyang breakup kay Daniel Padilla noong 2023.
Mula noon, naging mailap na siya sa pagbabahagi ng personal na detalye tungkol sa kanyang love life, at mas pinili ang tahimik na pagpo-focus sa kaniyang career at mga endorsement. Na-link pa nga siya sa kaniyang katambal na si Kapuso star Alden Richards nang gawin nila ang sequel ng "Hello, Love, Goodbye" na "Hello, Love, Again," subalit tila hindi rin naman umusbong sa romantic relationship kung anuman ang iniuudyok ng KathDen fans sa kanila.
At panghuli nga ang pagkaka-link ni Kath sa alkalde, matapos silang maispatang magkasama sa ilang lugar, subalit wala pang reaksiyon o pahayag ang dalawa tungkol dito.
KAUGNAY NA BALITA: Resto, pinasara para makapag-date sina Mayor Mark at Kathryn?
KAUGNAY NA BALITA: Kathryn, Mayor Alcala naispatan na namang magkasama?
Sa kabila ng mga haka-haka, may ilan ding netizens ang nananawagan ng respeto sa privacy ng dalawa, kung sakali mang totoong lumalabas sila. Pareho naman daw kasing single ang dalawa.
Gayunpaman, hindi pa rin mapigilan ang pag-usbong ng espekulasyon lalo’t patuloy ang pagkalat ng mga larawan online. Habang wala pang kumpirmasyon mula sa mga sangkot, nananatili itong isang malaking “tsika” na hinuhulaan pa ng publiko kung totoo o hindi.