December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Alden Richards at Kathryn Bernardo itinanghal bilang Phenomenal Box Office King, Queen

Alden Richards at Kathryn Bernardo itinanghal bilang Phenomenal Box Office King, Queen
Photo Courtesy: Alden Richards (IG)

Pinangalanan sina “Hello, Love, Again” stars Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang Phenomenal Box Office King at Queen sa ginanap na Box Office Entertainment Awards 2025 ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI).

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, Hunyo 24, nakuha ng dalawa ang nasabing titulo dahil sa tagumpay ng pelikulang pinagbidahan nila, walang iba kundi ang “Hello, Love, Again.”

Matatandaang sa unang araw pa lang ng pagpapalabas ng “Hello, Love, Again” sa Pilipinas ay kumita na agad  ito ng ₱85M.

MAKI-BALITA: Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Kaya naman hindi nakapagtataka nang ideklara ito noong Nobyembre 2024 bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na naitala sa kasaysayan na kumita ng bilyon sa takilya.

Kaya naman hindi nakapagtataka nang ideklara ito noong Nobyembre 2024 bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na naitala sa kasaysayan na kumita ng bilyon sa takilya.

MAKI-BALITA: 'Hello, Love, Again,' lumikha ng kasaysayan; kauna-unahang Pinoy film na kumita ng ₱1B

Natalbugan nito ang "Rewind" nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera noong 2023 na kumita ng ₱930 milyon worldwide.