January 04, 2026

Home SHOWBIZ Events

It's Showtime, naghahanap ng mga feeling guwapo at maganda

It's Showtime, naghahanap ng mga feeling guwapo at maganda
Photo courtesy: It's Showtime (FB)/Pixabay

Naghahanap ang noontime show na "It's Showtime" ng mga taong pakiramdam nila ay guwapo at magaganda sila.

"Madlang People! Naghahanap kami ng mga feeling guwapo at maganda! 'Yung mapapatanong kami ng 'Waht haffen, Vela?' Bibo o Biba, join na! Basagin natin ang karaniwang pamantayan ng ganda!" mababasa sa anunsyong naka-post sa kanilang official Facebook page.

Sa mga gusto raw mag-audition ay puwedeng magsadya sa ABS-CBN Audience Entrance, mula Lunes hanggang Sabado, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

For sure, bagong segment na naman ito ng noontime show na tiyak na papatok sa mga netizen at manonood.

Events

Sexbomb Girls, muling hahataw sa ‘rAWnd 3’ finale concert sa Feb. 6!

Hindi naman ni-reveal sa post kung ano ang magiging pamagat ng segment.