Iginiit ni Sen. Imee Marcos na wala pa raw malinaw kung paano magbabago ang liderato ng Senado sa pagpasok ng mga bagong halal na senador para sa 20th Congress.
Sa ambush interview ng media sa senadora nitong Sabado, Mayo 17, 2025 na hindi pa raw maliwanag ang lahat para sa Senado.
"Wala pang maliwanag tungkol sa Senate President kaya hindi pa natin alam kung sino ang majority at minority," ani Sen. Imee.
Nang tanungin ng media kung nakahanda ba siya na maging susunod na Pangulo ng Senado, sagot niya, "Wala, hindi ko naman naiisip yun, gusto ko lang maproklama yun lang inaantay ko."
Wala pa rin daw napapag-uusapan kung sino-sino ang mga napipisil na Senador na maaaring ipalit kay Senate President Chiz Escudero.
"Wala pang napapag-usapan at hindi ko pa alam kung sino yung mga kandidato
Samantala, matatandaang nauna nang ihayag ni Sen. Tito Sotto na may ilang senador na raw ang kumakausap sa kaniya na muling maging Senate President matapos ang kaniyang matagumpay na kandidatura at muling makabalik sa Senado.
“They’re saying that their peers are ready to support me. Sabi ko naman if we have 13 [votes], I will accept,” ani Sotto.
KAUGNAY NA BALITA: Tito Sotto, kinumpirmang kinausap ng 3-4 senador ukol sa Senate presidency