April 28, 2025

Home BALITA

PH Consulate sa Vancouver, ikinabahala ang nangyaring aksidente sa Filipino festival

PH Consulate sa Vancouver, ikinabahala ang nangyaring aksidente sa Filipino festival
Photo courtesy: Philippine Consulate General in Vancouver/FB

Ikinabahala ng Philippine Consulate General in Vancouver ang nangyaring aksidente sa Vancouver, Canada noong Sabado, Abril 26, 2025 (araw sa Canada) kung saan isang SUV ang nanagasa sa isang Filipino festival na ikinasawi ng marami.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ipinabatid ng Konsulado ang kanila umanong simpatya.

“The Philippine Consulate General in Vancouver expresses its deep concern and sympathies to the victims of the horrific incident at the Lapu Lapu Day Block Party today,”anang Konsulado.

Matatandaang nitong Linggo, Abril 27 (araw sa Pilipinas) nang pumutok ang mga ulat hinggil sa nasabing aksidente na ikansawi umano ng hindi pa tukoy na bilang ng mga indibidwal kung saan marami daw ang nasugatan.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

KAUGNAY NA BALITA: Festival ng mga Pinoy sa Vancouver, inararo ng sasakyan; ilang katao, patay!

Dagdag pa ng Konsulado, “As we await more information about the incident, we pray that our community remains strong and resilient imbued with the spirit of bayanihan during this difficult time.”