Nagbigay ng reaksiyon si Miss World 2013 Megan Young sa pagka-evict ni Kapamilya actor Emilio Daez sa Bahay ni Kuya kasama ang ka-duo nitong si Kapuso actor Michael Sager.
Si Emilio ang nakakabatang kapatid ng mister ni Megan na si Kapuso actor Mikael Daez.
Sa Instagram story ni Megan nitong Sabado, Abril 26, ibinahagi niya ang larawan nina Emilio at Michael matapos ianunsiyo ang pagka-evict ng dalawa.
Sey ni Megan, “Iyak malala.”

Samantala, naghayag naman ng suporta si Mikael para sa utol niyang si Emilio sa pamamagitan din ng isang Instagram story.
“Labyu mio boy! You did great! (Don’t look at the Lakers series)” aniya.

Matatandaang sina Emilio at Michael ang ikatlong evictee sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
MAKI-BALITA: Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya