May iba pa raw paraan upang maengganyo hindi lang ang kabataan kundi pati ang matatanda na mapalapit sa simbahan.
Sa latest episode ng “Morning Matters” nitong Miyerkules, Abril 16, ibinahagi ni Catholic comedian Romar Chuca ang mga ginagawa niyang content na kombinasyon ng pagpapatawa at pananampalataya.
Aniya, “I think what I did is blurred the lines between the two [pagbibigay ng reflection at pagpapatawa]. Na hindi lang siya seryoso, na may paraan pala to engage with the youth and maybe the older generation of today.
“Hindi lang kailangan pala puro dasal, which is very important,” pagpapatuloy ni Romar. “Hindi lang pala kailangan puro pagpunta sa simbahan, which again is very, very important.”
“But also your life beyond the church is also important; your very secular life. So, part of secular life is humor,” dugtong pa ng komedyante.
Matatandaang nagsimulang pumatok ang pangalan ni Romar noong kasagsagan ng Covid-19. Tampok sa mga content niya ang paghahalo ng mga kantang simbahan at popular na awitin na kinagiliwan ng marami.