April 16, 2025

Home BALITA

Atty. Conti, binuweltahan red-taggers: 'Hindi ako utusan ng CPP-NPA!'

Atty. Conti, binuweltahan red-taggers: 'Hindi ako utusan ng CPP-NPA!'
Photo Courtesy: National Council of Churches in the Philippines via Kristina Conti (FB)

Nagbigay ng tugon si human rights lawyer Atty. Kristina Conti kaugnay sa mga akusasyong kasapi umano siya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Sa isang Facebook post ni Conti nitong Martes, Abril 15, pinabulaanan niya ang nasabing paratang at sinabing hindi raw siya utusan ng CPP-NPA.

“Third year high school ako at member ng Society for the Advancement of Research in Science (SARS) nung pinipirmahan ang Rome Statute. Wala akong kinalaman sa establishment ng ICC [International Criminal Court],” lahad ni Conti.

“Batang abogado ako nung na-unleash ang ‘war on drugs’ ni Duterte sa Pilipinas,” pagpapatuloy niya. “Katulad ng iba, hindi ko kinaya na magsawalang-kibo. September 2016 naging secgen ako ng NUPL-NCR na may malinaw na mandate na ipagtanggol ang human rights. 

Internasyonal

Katy Perry, pumunta sa outer space kasama ng iba pang all-female crew

Dagdag pa niya, “December 2016 nakipag-MOA sa amin ang church group na Rise Up for Life and for Rights para alalayan sila sa legal issues ng mga pamilya ng pinatay. 2017 naghain kami ng tatlong EJK [extrajudicial killings] cases sa ombudsman, pero mabagal ang usad ng mga kaso sa mga pulis.”

Kaya pagsapit ng 2018, pinag-usapan umano nila ni Atty. Neri Colmenares ang mas malaking kaso na aabot sa mga nasa likod ng EJK na sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bato dela Rosa, at iba pang matataas na opisyal.

Si Conti ang tumatayong Assistant to Council sa ICC na kakatawan sa mga biktima ng EJK ng administrasyong Duterte.