April 22, 2025

Home BALITA National

‘Involuntary hunger’ na naitala nitong Marso, pinakamataas mula Sept. 2020 – SWS

‘Involuntary hunger’ na naitala nitong Marso, pinakamataas mula Sept. 2020 – SWS
(MB file photo)

Tinatayang 27.2% ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng “involuntary hunger” nitong Marso 2025, kung saan ito ang naitalang pinakamataas mula noong panahon ng Covid-19 pandemic noong Setyembre 2020, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Base sa survey na inilabas ng SWS nitong Sabado, Marso 29, 27.2% ng mga pamilyang Pilipino ang nakaranas ng hindi bababa sa isang beses na pagkagutom dahil walang makain sa nakalipas na tatlong buwan.

Anang SWS, 6 puntos na mas mataas ang naturang datos kung ikukumpara sa 21.2% na naitala noong Pebrero 2025, at pinakamataas na naitala mula sa 30.7% noong Covid-19 pandemic noong Setyembre 2020.

“It is 7.0 points above the 2024 annual hunger average of 20.2% after rising for two consecutive months from 15.9% in January 2025,” dagdag ng SWS.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Pagdating sa mga rehiyon ng bansa, pinakamataas daw ng populasyon nakaranas ng “involuntary hunger” ang Visayas na may 33.7%, sumunod ang Metro Manila sa 28.3%, Mindanao sa 27.3%, at Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila) sa 24.0%.

“The 6.0-point rise in hunger between February 2025 and March 2025 was due to increases in the Visayas, Balance Luzon, and Mindanao, combined with a steady score in Metro Manila,” anang SWS.

“Compared to February 2025, the incidence of hunger rose by 13.7 points from 20.0% in the Visayas, 4.9 points from 19.1% in Balance Luzon, and 4.0 points from 23.3% in Mindanao. However, it hardly moved from 27.3% in Metro Manila,” dagdag pa nito.

Isinagawa ng SWS ang naturang survey mula Marso 15 hanggang 20, 2025 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 registered voters sa bansa na 18-anyos pataas ang edad.