March 31, 2025

Home BALITA National

Walang naitalang nasawing Pinoy sa Myanmar, Thailand dahil sa M7.7 na lindol – DFA

Walang naitalang nasawing Pinoy sa Myanmar, Thailand dahil sa M7.7 na lindol – DFA
(AP Photo/Aung Shine Oo via MB)

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naitalang nasawing Pilipino sa Myanmar at Thailand dahil sa magnitude 7.7 na lindol na yumanig sa dalawang bansa nitong Biyernes, Marso 28.

"The Embassy is closely monitoring developments and reports that there are currently no reports of damage or casualties from the approximately 811 registered Filipino nationals residing and working in Myanmar," anang DFA sa isang pahayag.

Ayon sa embahada, naitala ang epicenter ng lindol sa central Myanmar, malapit sa lungsod ng Monywa.

"Further updates on the safety and welfare of overseas Filipinos in Myanmar will be made available as developments arise," anang DFA.

National

PBBM sa Muslim community: 'Let's not forget our responsibility to one another'

Wala ring napaulat na mga Pilipinong nasaktan o naapektuhan ng 7.7 magnitude na lindol sa Bangkok, Thailand sa parehong araw.

"As of this time, there have been no reports of Filipinos harmed or affected by the earthquake," saad ng Philippine Embassy in Bangkok.

Sinabi ng Foreign Affairs department na mayroong kasalukuyang 32,950 Pinoy sa Thailand.

Sinabi ng embahada na isang malakas na lindol ang naitala sa hilaga at gitnang rehiyon ng Thailand, kabilang ang Bangkok, bandang 1:20 ng tanghali nitong Biyernes.

Pinayuhan ng mga embahada ng Pilipinas sa dalawang bansa ang mga Pilipino doon na manatiling kalmado at mapagbantay, at subaybayan ang updates mula sa mga mapagkakatiwalaan at mapatunayang mapagkukunan ng impormasyon.

Para sa mga emergency, maaaring tawagan ang Embassy in Yangon sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals (ATN) hotline (+95 998 521 0991) o ang opisyal na Philippine Embassy sa Myanmar Facebook Messenger.

Maaari namang tawagan ang Philippine Embassy in Bangkok sa pamamagitan ng ATN hotline (+66 81 989 7116) o sa pamamagitan ng email: [email protected].

Betheena Unite