March 31, 2025

Home BALITA National

176 na Pinoy na biktima ng human trafficking sa Myanmar, nakauwi na ng 'Pinas

176 na Pinoy na biktima ng human trafficking sa Myanmar, nakauwi na ng 'Pinas
photo courtesy: OWWA/FB

Nakauwi na sa Pilipinas ang 176 na Pinoy na biktima ng human trafficking sa bansang Myanmar noong Miyerkules, Marso 26.

Pinangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation operation ng 176 na Pilipino na biktima ng human trafficking sa Myawaddy, Myanmar. 

Sa pagtutulungan ng ahensya ng gobynero—Department of Justice, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, at Bureau of Immigration—ligtas na nakabalik ang mga biktima sa pamamagitan ng goverment-chartered flight mula sa Thailand.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, may mga kababaihang nakaranas ng panggagahasa, pambubugbog, at hindi pinakain ng isang linggo. 

National

PBBM admin, planong umutang ng ₱735B sa Q2

"Salamat sa Diyos at nakauwi na ang mga kababayan natin. Kahit masaya tayo na nasa Pilipinas na sila, sobrang nakakagalit ang mga naranasan nila sa kamay ng mga Chinese scam bosses sa Myanmar," saad ni Hontiveros. "May babaeng ginahasa, may buntis na binugbog at kinuryente, may mga hindi pinakain ng ilang linggo. Para silang nasa impyerno. Our government must strictly ensure that not another Filipino steps foot in that hell again."