February 04, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Darryl Yap, 'di nakumpleto dokumentong hinihingi ng MTRCB para sa Pepsi Paloma movie

Darryl Yap, 'di nakumpleto dokumentong hinihingi ng MTRCB para sa Pepsi Paloma movie
Photo Courtesy: Darryl Yap (FB)

Tila hindi matutuloy ang pagpapalabas ng kontrobersiyal na “The Rapists of Pepsi Paloma” sa mga sinehan sa bansa.

Sa latest Facebook post ni Darryl Yap nitong Lunes, Pebrero 3, inanunsiyo niyang bigo raw siyang makumpleto nang agaran ang mga dokumentong hinihingi ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

“[B]igo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng pamunuan ng MTRCB,” saad ni Yap.

“Kaya’t imposible pong maipalabas sa mga sinehan ang ating pelikula sa February 5,” pagpapatuloy niya. “Pinag-iisipan na rin ang posibilidad na maunang maipalabas ito sa labas ng bansa o ipagpaliban na ang pagpapalabas sa sinehan at magpokus na lamang sa streaming platforms.”

Pelikula

Paolo Contis, bibida sa bagong pelikula; co-stars, pinag-iingat

Sa huli, pinasalamatan ni Yap ang kaniyang mga tagasubaybay.

Matatandaang ipinag-utos kamakailan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang pag-”delete, take down, and remove” sa teaser ng pelikulang ito ni Yap kung saan nabanggit ang pangalan ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto.

MAKI-BALITA: Pauleen Luna, masaya sa desisyon ng korte tungkol sa teaser ng TROPP